Let's make ART because I'm about to POP

Ang dami kong iniisip ngayon and I don’t even know where to start. I’m over thinking again and it sucks. I will be broke for 2 months, mag re-renovate kasi yung store namin. Nakakainis lang kasi may problema pa ko sa eskwelahang pinasukan ko nung nasa elementary pa lang ako.

Yun na lang talaga ang problema at matapos ito okay na ang lahat. Kaso may balance pa kami and wala talaga akong naipon kahit sabihin mong may trabaho ako. Buti na nga lang at tapos na ko sa utang ko. Hay satan, why now, but like what i’ve said nga na I don’t need you in my life so fuck right off, satan.

I really need to find another way na para kumita and also, disiplina na rin. 

Sumakay ako sa jeep na papuntang Marikina nung pauwi na ko. Nung malapit na kami sa Riverbanks, may isang pulubi na sumakay at makikisabit lang daw siya dahil wala siyang pambayad sa pamasahe. Mabuti naman ‘tong si manong driver mabait at pinasakay. Hindi siya sumabit actually, umupo siya since wala namang siyang pasahero. 

I really don’t know what to call him kasi siya mismo sinasabi niya na pulubi siya at magnanakaw so I’m going to stick with pulubi na lang. Nagulat ako nung bigla na lang siya nag kwento sa akin. So nagpanggap na lang ako na nakikinig sa kanya, ngumingiti ako kahit hindi ko minsan naririnig yung sinasabi niya.

Pero kahit hindi ko siya sinasagot kanina, ramdam ko yung gusto niyang ipahiwatig. May sumakay na isang lalake na medyo casual ang suot, tinukoy niya si kuya casual tapos sabi pa niya na “Yan, puwedeng maging doctor yan. Ako ganito lang suot ko kaya tignan mo ko” hindi mismo ang mga salitang yan ang sinabi niya pero parang ganyan ang gusto niyang ipahiwatig.Yung tipong wala-eh-ganito-lang-ako feeling.

Nalungkot ako. Binigyan niya ko ng isang Maxxx. Mukha naman siyang mabait. Nalungkot lang talaga ako kasi parang nung moment na yun ako yung naging outlet niya. Hindi ko malilimutan yung bro fist namin. 

Hindi ko man nalaman pangalan niya but I wish him well. I hope na walang masamang mangyari sa kanya. I hope you’re okay Kuya. It made me realize na at some point sa buhay mo you’re going to have a break down and you just need someone who will listen. 

Kanina may nakita akong isang qt. Sa isip ko sinabi ko na sana sa tabi ko na lang siya umupo, di ko siya pahihirapan. Oops, medyo double meaning. Haha. Yung excited ka na parang ewan. Yung gusto mong malaman pangalan niya and everything. 

Kaso wala eh, saglit lang siya sumakay, bumaba agad siya, nalungkot ako. Pero mas nalungkot ako dahil parang hinangin lang yung perang pinaghirapan ko. Ang hirap kumita ng pera. Pero okay lang, may nabili naman ako na magagamit ko rin naman at hindi wala na rin akong utang.

Masarap sa feeling. 

Minsan talaga ayoko nang mag explain. Nakakapagod kasi sa tingin ko they’re not taking me seriously. Ganun na tingin ko sa mga tao, maliban na lang sa mga taong talagang sineseryoso ako. I know dapat hindi ganito ang pananaw ko sa buhay pero wala na eh, the dames has been done. 

Gusto ko man ibalik ang dati, hindi ko na siyang kayang ibalik. Nagbabago tayo, sa mabuti man o hindi. Pero may rason kung bakit nangyari sa atin ito. Hindi ko man alam pero for sure may rason, basta may rason hindi ko na kailangan i-explain.

No one gives a fuck about me, so why should I give a fuck too? Let’s be fair here. 

I’m into Korean pop music lately. Kung dati-dati ako ‘tong hipster na jeje ang mga taong nakikinig sa Korean pop music, I don’t really regret it but ngayon ko lang siya na-appreciate.

My current jam as of the moment is Red by HyunA. Napakinggan ko na rin yung isang kanta niya nung nakaraan taong na ang titulo ay “bubble pop.” It’s pretty catchy to be honest, masaya, feel-good song kahit hindi ko alam yung pinagsasabi niya.

The music video of Red is giving me so much life I mean come on, look at the K W E E N. At some parts ng music video she’s giving me We Can’t Stop vibes, I don’t know why. 

Nung makita mong pinag-uusapan ka tapos sinasabihan ka ng “Ito na naman siya nag dra-drama” na kung saan eh hindi mo naman sila pinag-uusapan at inilalabas mo lang naman yung damdamin mo sa isa mong ka-trabaho tapos ganun bigla ang gagawin nila sa’yo.

Ang sakit lang. Very stressful kung saan ako nagtra-trabaho pero minsan darating talaga yung point na mag bre-breakdown ka na lang talaga. Ngayon, nandun pa rin yung sakit. Gusto ko man mag move on pero may kirot pa rin pero hindi naman na siya ganun kasakit.

Sinabi ko lahat sa mga taong magpagkakatiwalaan ko yung damdamin ko. I am a dramatic person and I can’t help it I’m like that. It’s just who I am. Ganun talaga ako. It’s either you deal with it or not. Ngayon, natuto ako na hindi lahat talaga magiging kaibigan mo. Sa mahirap na paraan ko pa siya talagang nadama.

Sa ngayon, okay na ko. Wala na kong pakielam sa kanila, nagbago na rin ang tingin ko sa kanila. I am now having trust issues. But to be honest okay na rin yung ganun, at least you’ll be picky when choosing who your real friends are.